To: ALL UST FRESHIES

Kalma lang. Hinga. 

About finding your new friends/buddies/barkada/tropa: Huwag kang masyadong mahiyain at wag rin yung opposite. Hahaha. Smile smile lang. Sa first day, agahan mo ang pasok. Huwag magpapa-late. (Awkward ma-late. Nakatingin sayo lahat ng blockmates mo and prof mo. Tapos occupied na yung ibang upuan and you’ll have to excuse yourself for 20 times until ma-reach mo yung upuang unoccupied. Awkward di ba? Pero peymus ka after hahaha)  Upo ka muna do’n sa lobby or kahit saang waiting area. Ako, noong first day ko, tumayo ako malapit/tapat ng room namin. Blockbuster kasi sa lobby eh. Do’n na ako naka-meet ng taga-ibang program at, after some time, yung blockmates ko dumating na rin. Syempre wala pang arrangement sa upuan so seat kung saan ka comfortable. Mag-hello ka sa mga katabi mo at introduce yourself. Magkakaiba naman ng interests ang blockmates mo so for sure makakahanap ka ng makaka-jive mo. You don’t have to find your ultimate college buds agad-agad. Meet and greet muna tayo then saka pa yun. (Added:) Piliing mabuti ang sasamahang barkada, okay? You’ll be meeting the kids your parents warned you about.

About professors: Magkakaiba rin ang ugali ng profs. May profs na mabait as in anghel. May prof na konti na lang kukurutin ka na sa singit. Basta just do your job, mag-aral, magsipag, and gawin mo lahat ng requirements. Magkakaiba rin sila ng requirements. (At gustong seating arrangement. May alphabetical na horizontal, vertical, flipped versions ng dalawa, may by height at syempre may by friends.) May prof ako ng nagbibigay ng incentive pag complete attendance and punctual ka. From 1.25 gagawin niyang 1.00 agad-agad. May prof naman akong hindi pwedeng umubo o humikab sa klase niya. May prof akong nagpapalock ng doors pag nakapasok na siya so if you’re late hindi ka na makakapasok. May ibang dina-drop yung subject pag di nila gusto yung prof - yung tipong ramdam mo agad na ibabagsak ka. Wag ka mag-worry. Minsan wala ka na talagang choice but to DEAL WITH IT. Tapos magiging magandang experience rin in the end. (Added:) Makakaiba rin yung tawag sa mga profs. May associate professor, asst. professor, professor, lecturer, instructor, course facilitator, etc. Mahalaga na alam mo ‘to para tama yung ilalagay mo sa projects and documents na ipapasa mo.

About subjects: Magtanong-tanong sa mga ates and kuyas. Mababait kami. Minsan nangangain kami pero may taste kami ah hahahaha. Pero totoo, helpful naman kami. Just don’t be shy to approach us. May gen ed courses/subjects na tinatawag. Yun yung lahat ng college students kailangan pag-aralan like math, english, filipino. May prof ed courses rin. Ito naman ay related sa profession mo. Example: Future teacher ka. Magkakaroon ka ng classes like Educational Technology, Principles of Teaching and Facilitating Learning. Ang pinakamahalaga ay ang major subjects. Ito yung related sa program na pinasok mo. Example: I’m taking up PSED. Kailangan kong magtake ng PSED1 hanggang PSED18.  Huwag na huwag kang magloloko sa major subjects. Mahirap kasi bumagsak dito. Hindi kasi ito inooffer pag summer. So made-delay ka and irreg ka. Mahirap maging irreg kaya huwag na i-try. Isa pa, pag nag-apply ka for work, makikita na bumagsak ka dun pa sa major subject mo. 

About books: May mga profs na nagrerequire ng libro at yung ibang profs naman hindi na. Huwag mag-alala dahil pwede namang hindi brand new ang bilhin. Sa Recto ang takbo! (Minsan required ang brand new if workbook yung kailangan.) May mga ates ang kuyas rin na nagbebenta ng old books nila. Mura na, hindi ka pa pagpapawisan sa paglibot sa bookstores. May books na sa UST publishing house mabibili. May books na sa Rex, Merriam, Nat’l mabibili. Basta makinig lagi sa prof at ilista agad ang title ng book, author ng book, year , edition and publishing house (pati price if babanggitin). (Added:) May profs ding pumapayag iphotocopy lang yung ibang books at may profs rin may sariling booklet/handouts na ibibigay.

Commute: Medyo nakakatense talagang magcommute. Lalo na kung malayo talaga yung bahay mo from UST. May blockmates ako from Rizal area at may isang from Bulacan pa. Basta laging mag-iingat. Huwag magtetext sa daan at sa lugar na delikado. Huwag ka na ring manlaban. Ibigay mo na lang yung phone mo at huwag ang buhay mo. Yung iba may lock yung bags. Kanya-kanyang style yan. Huwag rin kalimutan magbayad. Hahahaha.(Added:) Pag nagsasabi ng lugar kung saan bababa, lakasan ang boses. Gano’n rin kapag nagpapara. Huwag mahiyang magtanong sa driver ng lugar. Alerto dapat sa byahe. Iwasang makatulog sa byahe para iwas nakaw na rin.

Weather: Payong!!! Magdala kayo lagi ng payong. Slippers rin. Ako, lagi akong naglalagay ng plastic sa bag ko para sa mga gamit kong posibleng mabasa. Kung kailangan mong lumusong sa baha, huwag mo na usisain ang tubig. Baka biglang mag-hello sayo yung new friends mong si Ipis at Daga. Hi! Hahaha! (Added:) Sunblock na rin hahahaha. Umitim ako lalo sa UST. Pati blockmates ko, umitim rin. Hahahaha.

Sa pag-aaral: Pwedeng pumarty. Basta siguraduhin mo lang na yung grades mo natutumbasan lahat ng paghihirap ng magulang mo.  Masaya mag-aral. Stressful nga lang. Hahahaha. (Added:) Masaya magreview at magsearch sa library dahil maraming references na available. During hell weeks, hunger games ang laban para sa upuan. May computer lab rin sa library na pwedeng gamitin for educational purposes. Kung gusto niyo mag-group study, may rooms rin na pwede gamitin. Kung gutom na kakareview, punta lang sa cafe. :-)

Basta pray.

Don’t be afraid to ask for some help.

Enjoy your college life.

My midnight playlist

direkponso:

I recommend you guys these songs and you should all give them a try, something new for your ears guys :)))

You’ll never regret listening to these songs hehe message me your comments on this playlist hehe :))

Juicing > Starving

Had fun juicing! Still thinking about food food and more food but I decided to juice 5 pcs of apples, 1 banana and 1 cucumber. Can serve up to 2 and a half glass (depending on the brand of the juicer). My mom loved the mix. It’s so heavy, I feel like I will be able to skip lunch today. 

I am jealous of those girls who can dance because they can burn a lot of calories throught dancing. They can burn fats while having fun. I am jealous of those girls with healthier lungs and heart because they wouldn’t feel like they’re dying from anoxia after every exercise routine (even quick ones). I have weak lungs and asthma. Most of all, I am jealous of those girls who can eat a ton but they don’t gain any weight because their metabolism is so fast. I hope none of those girls is experiencing the same. :-(